Advertisers

Advertisers

BIYAYA NG ‘CHOOKS’ KAY ONYOK

0 240

Advertisers

HULI man daw at magaling,biyaya pa rin.

Hindi man kabilang sa mga nag-pledge noon , naipadama pa rin ng ‘Manok ng Bayan’ kay 1996 Atlanta Olympics silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco Jr. ang kahalagahan ng karangalang naialay niya sa bayan.

Ito ang nakabibilib na gesture ng pamunuan ng Chooks- to-Go.



Nagbalik-gunita ang lahat, maging ang kabiguan ng pamahalaan noon at pribadong sektor na maibigay ang mga pangakong insentibo sa Olympian boxer matapos ang matagumpay na kampanya ng Team Philippines sa katatapos na Tokyo Games.

“Noong manalo ako ng silver sa Atlanta Olympics, yung mga hindi natupad ay ang pangako ng Congress noon na 2.5-million pati iyong sa Philippine Navy na scholarship ng dalawang anak ko. Merong bahay pero wala pang titulo. Nangako rin ng 10,000 monthly na lifetime pero isang taon lang ang binigay sa akin,” pahayag ng 47-anyos na pride ng Bago, Negros Occidental.



Ang isiniwalat ni Onyok ay kumurot sa puso ni Chooks-to-Go president Ronald Mascarinas.

Nitong nakaraang Biyernes, personal na ipinagkaloob ni Mascarinas kay Velasco ang simpleng regalo nang imbitahan ang boxing icon sa kanyang tanggapan.



Isang sariling Chooks-to-Go store na matatagpuan sa Litex Road, Quezon City malapit sa tahanan ni Onyok ang kaloob ng sportsman/businessman.

“Natutuwa akong makita ang buhos ng parangal at gantimpala mula sa pamahalaan at pribadong sektor sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa nitong nakaarang Tokyo Olympics . Ngunit may isang matagal nang pangakong tila nakalimutan na and we’d like to be part of the solution first before we join the celebration of our recent sports heroes ,” pahayag ni Mascarinas.

“We’re giving one Chooks-to-Go store to Onyok because as a Filipino we owe it to him for bringing honor to our country.” May kaloob din ang sikat na kumpanyang manok na biyayang P100, 000 para sa muntik nang limot na bayani.

“Pinapunta ako ni Sir Ronald sa office niya at dalhin ko raw ang silver medal ko. Hindi ko alam kung bakit . Yun pala may surprise sa akin. Kala ko nga nanalo din ako sa Tokyo Olympics sa kaloob sa akin ng Chooks-to-Go,” sambit ni Velasco. “

Saludo sa Chooks-to-Go.Kaya nga success story si G.Mascariñas dahil di lamang mga almost forgotten heroes ang natutulungan kundi maging mga kababayang gumagawa ng makabuluhan para sa bayan sa kasalukuyan..GO CHOOKS!

Para sa reaksiyon:09199845253.

Lowcut-Good morning sa isang Barangay head diyan sa Tondo.(bgy 31 -zone 2).May mga konsenadong constituent nito ang nagpaabot ng reklamo kaugnay nang di daw patas na pakikitungo niya sa kanyang mga ka-barangay partikular sa mga problemang pang- komunidad.Mayroon anila siyang mga pinapaboran kahit lihis pero may pinag-iinitan o dinededma kahit na sa mga lehitimong isyu ang idinudulog.

May mga kinukunsinte pa umano si Lady Kap na mga kasanggang gumagawa nang palso at koneksiyong iligal maging mga ka-opisyal ng barangay.Hmm-kelangang sumagot dito ang inirereklamong isang Kapitana Tamondong at baka kayo ma-KURYENTE ng DILG pag nagkataon.Dapat Gng. Chairwoman, WAGAS ang serbisyo , pantay at walang pinag-iinitan sa inyong nasasakupan.Bukas ang korner na ito sa inyong panig ( nasa itaas ang numero).Marami silang idinetalyeng reklamong batid ninyo… Mismo!