Advertisers
KORONADAL CITY – Determinado ang isang mag-iitik na magsampa ng kasong kriminal laban sa lasing na pulis na nang-harass sa kanya na nakunan pa ng video sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat noong Huwebes, August 12, ng tanghali.
Kinilala ang pulis na si Patrolman Richard Panaligan, residente ng Lambayong perot naka-assign sa Tantangan Municipal Police Station sa Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay Ginang Aleah, pinsan ng biktima, sinita ng pulis si alyas Boy na nagbabantay ng itik sa hindi malamang dahilan.
Makikita rin sa kuha ng video na dinuduro ng pulis ang biktima, at sinasaktan habang bitbit ang baril sa kabilang kamay nito na humantong din sa panununtok.
Sa panig ng pulisya, ayon kay Colonel Jemuel Siason, hepe ng South Cotabato PNP, nang maipalaman sa kanila ang pangyayari ay agad niya pinadis-armahan at isinailalim sa restricted custody si Pat. Panaligan.
Inatasan din ng Regional Director ng PRO-12 ang Sultan Kudarat PPO na magsagawa ng imbestigasyon.
Kasong administratibo at kriminal ang kakaharapin ni Pat. Panaligan.