Advertisers

Advertisers

Kim game nang magpaka-daring sa edad na 27

0 7,824

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KAMAKAILAN ay simpleng idinaos ni Kim Rodriguez ang kanyang ika-27 kaarawan at sa pamamagitan ng  social media account ay inilabas ng young actress ang kanyang saloobin para sa pagtuntong niya ng 27.

Sa naturang post ay nag-upload din si Kim ng mga larawan na buong tapang na nagpose siya ng topless, bukod tanging pantalon lang ang kanyang suot habang ang kanyang mga bisig ay nakatakip sa maselang parte ng katawan niyang pang-itaas.



“Be brave enough and always dare to try new things, as life becomes boring when you stay in your comfort zone,” unang pahayag ni Kim.

Karugtong pa nito ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagmahal at sumuporta sa kanya lalo na sa panahon ngayon na  matindi ang paglaganap ng Delta variant sa buong mundo.



“Thank you for another year. I am incredibly fortunate with my family and friends through this uncertainties and i am thankful to overcome the difficulties. And also, thank God for giving me such a beautiful life.

“To GMA, friends, fans etc., i am truly blessed to have you. Thank you and i love you guys,” saad pa ni Kim.



Buong pagmamalaki ring kinuwento ng aktres ang bagong sports adventure na kinahihiligan ngayon, ang cycling. Minsan kasi ay sinubukan niya na mag-isang mag-bike ng 33 kilometers at inabot din siya ng halos tatlong oras mula sa kanyang tahanan bago marating ang pinupuntiryang layo.

“The first time is always the best feeling,”

dagdag pang saad ng Kapuso actress.

***

JULIE ANNE SAN JOSE TO LOVE AGAIN

SIMULA ng nagkapangalan sa industriya ng musika ay bininyagan si Julie Anne San Jose bilang ‘Asia’s Pop Diva.’ Pero ngayong taon ay masaya pa siya nang alisin sa kanya ang titulo dahil sa bagong bansag na binigay sa kanya, ang Asia’s Limitless Star.

Buong puso naman itong tinanggap ni Julie at nagpasalamat nang bonggang-bongga sa mga taong nagbigay sa kanya ng bagong titulo.

Nagsimulang mapalitan ng titulo si Julie Anne nang mag-promote siya ng kauna-unahang virtual concert, ang “Limitless, A Musical Trilogy”, na magta-travel si Julie Anne around the nation mula Luzon hanggang Mindano. The first part “Breathe” will feature Mindanao, “Heal” will be shot in Visayas, while “Rise” will be set in Luzon.

“I’m just so very grateful sa Limitless, A Musical Trilogy project. Ito yung nagbigay sa akin ng opportunity to discover myself even more. Thank you for entrusting me sa title na ito. Hindi ko ma-explain yung feeling,” sey pa Julie.

At dahilan sa may virtual concert na ipo-promote ay hindi maiwasan na  maungkat kay Julie ang kanyang lovelife. Matagal-tagal na rin siyang walang naging karelasyon, last niyang naging boypren ay si Benjamin Alves.

“Sa ngayon, wala pa naman. Wala pa, wala pa, basta. Darating din naman po yan and if I know that person is worth it and if it’s the right kind of love, limitless din, of course, ang love na ibibigay ko,” dagdag pang say ni Julie Anne.