Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 10,035 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Agosto 17.
Samantala ay mayroon namang naitalang 10,858 na gumaling at 96 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.0% (105,787) ang aktibong kaso, 92.3% (1,629,426) na ang gumaling, at 1.73% (30,462) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 15, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.2% sa lahat ng samples na naitest at 1.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)