Advertisers
ISANG tricycle driver na nanunungkit ng mangga ang nakuryente sa Purok 6, Minante 2, Cauayan City.
Kinilala ang biktima na si Rogelio Dela Cruz, 48 anyos, ng Alicia, Isabela.
Inihayag ni Ruvelyn Magundayao na nakita niya ang biktimang nakasampa sa upuan habang nanunungkit ng mangga.
Gumamit, aniya, ang biktima ng bakal na panungkit sa mangga.
Dahil sa ayaw siguro ng biktima na mahulog ang mga sinusungkit na mangga ay pilit nitong sinasalo ngunit nawalan ng balanse at tumama sa linya ng kuryente ang panungkit na bakal sanhi para makuryente ito.