Advertisers

Advertisers

Bea wala pang balak pakasal, happy sa pagiging parte ng Beautederm family

0 825

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ISA si Bea Alonzo sa naging special guests sa episode ng BD TV Live sa Beautederm FB page last August 20. Bahagi ito ng BEAUTéDERM’s spectacular Royale Beauté 12th anniversary celebration. Si Bea ay isa sa A-lists endorsers ng naturang sikat na beauty products brand.

Guests rin dito ang mga Beautederm babies na sina Ms. Korina Sanchez at Marian Rivera. Hosted by Darla Sauler, kumanta rin si Luke Mejares. Ang dalawa ay kapwa ambassadors din ng kompanyang ang CEO at President ay si Ms. Rhea Anicoche Tan.



Sa ginanap na tsikahan, napansin ni Ms. Korina na halatang-halata na happy si Bea lalo na ang positive na nangyari sa kanya, kasama na sa lovelife. Lantad na naman kasi ngayon ang relasyon nila ni Dominic Roque.

Inamin naman ito ni Bea. “I’m very-very happy and very grateful, very grateful,” nakangiting saad niya.



Pero may plano na ba silang magpakasal anytime, soon? “Ah no, actually parang it’s too early for that. Parang masyado pang maagang pag-usapan iyan… at saka sa ngayon kasi parang… hindi ba sinasabi nga nila, you shouldn’t follow a timeline, may sari-sarili tayong timeline.

“Pero iniisip ko, kasi, I have a lot of dreams pa rin, I have a lot of things that I still want to do. So, siguro’y darating din doon, but I don’t want to pressure myself into doing something I am not ready to do yet.”



Nang napag-usapan kung paano siya pumipili ng produktong ine-endorse, ito ang nabanggit ng aktres. “I have to believe in the product, kasi kung hindi, para namang niri-rip off ko iyong mga bibili na fans ko, kung sakaling bibilhin nila iyon dahil in-endorse natin. I feel na we have the responsibity to our audience, hindi ba? So, ayaw ko naman na hindi ko pala ginagamit, tapos ine-endorse ko na gamitin nila. So, iyon ang main factor sa pagpili ko kung ano ang ie-endorse.”

Why Etre Clair Refreshing Mouth Spray? “Yes, maraming products ang Beautederm and they’re all good.

“Why Etre Clair, because as you know, we are facing the new normal and ang daming nagbago sa buhay natin. So, even our essentials, what we put inside our bags, what we use everyday, nag-iiba rin, hindi ba?

“So parang feeling ko, isa ito sa essentials na dapat talagang dalhin ng mga tao ngayon. Because not only does it leave your mouth feeling fresh and smelling fresh, talagang it also protects your mouth from mga harmful viruses or bacteria that could cause respiratory diseases. Or even yung mga tooth and gum problems, and it’s also alcohol free, so, it’s very healthy for you.”

Dagdag pa ni Bea, “I feel like na sa ngayon, dapat lahat ng tao ay may dala nitong Etre Clair Refreshing Mouth Spray, it’s very vital.

“Ang recommended nila is three times a day ka mag-spray. Pero ako I spray more than that, lalo na kapag minsan ay parang may nangangati lalamunan natin, minsan parang praning din ako… kasi siyempre, may virus, may covid. So, I spray lang and then after a while, it goes away.”

Binati rin ni Bea ang Beautederm. “Happy 12th anniversary to my Beautederm family. You know, I am very honored and proud to be a part of this ever growing family. I know that this is just the start, I know that you will continue to inspire and give joy to so many people. So, cheers to more years of success and happiness.”

Nagpahayag naman ng mensahe ang lady boss ng Beautederm sa12th anniversary ng kanyang kompanya na isa ngayon sa top leaders ng beauty and wellness industry sa bansa.

Lahad ni Ms. Rhea, “Sobrang grateful po ako at nandito pa po tayo, kahit na pandemic. At libo ang tumatangkilik po sa atin, buong ‘Pinas, buong mundo… ang dami na po nating customers.

“Marami pa po akong sorpresa hanggang matapos ang taon. Dream ko po na maging household name ang Beautederm.”