Advertisers
“STOP talking about me!”
Ito ang pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go hinggil sa planong pagtakbo sa 2022 elections.
Ayon kay Mayor Sara, personal na kinumpirma sa kanya ng pangulo na tatakbo siya bilang Bise Presidente at si Sen. Bong Go ang kanyang running mate bilang Presidente.
Paliwanag ng alkalde, dapat panindigan nina Duterte at Go ang kanilang plano at aminin ito ng hayagan sa publiko.
Payo pa ni Sara, huwag siyang gawin dahilan kung itutuloy o hindi nina Duterte at Go ang planong pagtakbo.
Aniya, hindi niya nais na magmistulang punching bag, at hindi rin niya kasalanan kung siya ang naging ugat ng sigalot sa PDP Laban.
“I strongly suggest to the President and Senator Go own up publicly their decision to run as a tandem.”
“If they can confirm it privately, then I do not see the reason why they cannot be candid about it to the public…” the mayor added. “I respectfully advise them to stop talking about me and make me the reason for them running or not running,” ani Mayor Sara.
Samantala, ayon kay PDP Laban Exec. Vice President Karlo Nograles, si Sen. Go ang most qualified na kandidato sakaling hindi tatakbo si Sara. (Jonah Mallari)