Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SA interview ni Karen Davila sa mag=asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista ay isa sa naungkat at natanong ay kung magkakaroon ng reunion movie si Heart sa ex=boyfriend nito na si Jericho Rosales ay payag kaya ang husband ng actress.
Hindi naman ikinaila ni Heart na maraming beses na nilang nagpa-usapan ni Chiz ang tungkol dito at sagot daw sa kanya ni Chiz, ”it`s up to you.”
“It`s up to her. If it will help her, If it will make her grow, for me… again, hindi ako selosong tao.” say ni Chiz.
Sabi naman ni Heart, “NR (no reaction) siya, sobrang NR.”
Tanong naman ni Karen kay Heart, kung may mga babae ba ayaw niyang makasama ni Chiz.
“Honestly, he makes me feel really, really secure. But because when you talk to him and you get to know this guy, you will be so surprised na pinipilahan siya ng maraming babae,” say ni Heart.
Biro tuloy sa kanya ni Karen kung naka=helmet ba siya.
Sabi pa ni Heart, “he`s really such a good guy! He`s so smart, conversation`s so good, it`s so sexy. And his appeal, his gravitas is just on another level.”
Hindi raw si Chiz ang tipo ng lalake na mangangaliwa at hindi rin raw ito malandi sa babae. Kailangan malakas daw ang personalidad ng isang babae para makuha ang attention ng kanyang husband.
Well, let see. What will happen after 10 or 20 years ng kanilang pagsasama.
***
Tinanong si Julia Barretto at dalawa niyang leading men sa Di Na Muli na sina Marco Gumabao at Marco Gallo kung ang mga bagay na hindi na nila muling babalikan.
Sabi ni Marco, hangga`t maaari raw sana ay ayaw niyang pagsisihan ang mga nagawa niyang desisyon sa buhay. Pero kung may nagawa man siyang pagkakamali ay aayusin na lang niya para itama.
Si Gallo ay masaya daw sa lahat ng nangyari sa kanyang buhay at kung mayroon siyang ayaw nang balikan ay ang old Marco at ang mga pagkakamali nagawa niya in the past.
Para naman kay Julia ay may isang bagay daw siyang ayaw na niyang balikan.
“Ako, I would have to agree with Marco (Gumabao). I don`t believe in regrets and and I don`t believe in regretting anything especially if it brought you to where you are in life right now. And I`m pretty grateful for where I am right now and happy and content.
“Siguro, yung akin na lang is kung meron akong `di na muli na babalikan na moment or pangyayari sa buhay ko, siguro `di ko na babalikan yung moment na kinakailangan kong magpaalam sa lolo ko.
“Masakit yun, eh. Masakit yung kailangan mong magpaalam at mawalan ng mahal mo sa buhay,” say ni Julia.
Year 2019 nang yumao ang lolo ni Julia na si Miguel Barretto (ama ng kanyang ina na si Marjorie Barretto)
Naungkat din kay Julia ang recently magandang pangyayari sa kanyang buhay, ang pagpasok niya sa Philippine Coast Guard Academy (PCGA). Inamin naman niya na ang present boyfriend niyang si Gerald Anderson ang nag-motivate sa kanya na maging member na rin ng hukbo.
“Alam naman siguro ng lahat na si Ge ay isang miyembro ng Philippine Coast Guard for a couple of years now. So, nakasama `ko sa iba niyang nagawang mga charity works sa project niya, sa mga donation drives niya. Madalas ko rin nakakasama siyempre yung Philippine Coast Guard everytime they come up with events and projects like that.
“So they asked me if I was interested in joining, and I thought it was a good idea since sumasama na rin ako. And because I learned as a volunteer. Bilang isang volunteer, ,makaka-create ka rin ng projects and mga events na makakatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong natin. And that really get me interested,” say pa ni Julia.