Advertisers

Advertisers

VOTER REGISTRATION EXTENDED HANGGANG OCT. 31

0 359

Advertisers

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukala na palawigin ang voter registration hanggang Oktubre 31, 2021.

Ito ay sa kabila na tatlong araw na lamang ang nalalabing panahon para sa deadline ng pagpaparehistro ng mga bagong botante na nakatakda sa Setyembre 30, 2021.

Nabatid na 12 senador ang nag-apruba at lumagda sa Senate Bill No. 2408 para sa extension ng Registration of Voters para sa 2022 National at Local Elections sa kabila ng patuloy na pagtanggi rito ng Commission on Elections (Comelec).



Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, pangunahing sponsor ng panukala, ia-adopt ng Senado ang panukala na bersyon ng House of Representatives na pumasa sa second reading.

Bunsod nito, hindi na dadaan ang panukala sa bicameral conference committee meeting dahil wala naman aniyang pinagkaiba ang dalawang panukala.



Matapos nito, agad na ipapadala sa Malacañang ang panukala para sa paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">