Advertisers
Umabot na sa tatlo ang nasawi sa nangyaring sakuna bunsod ng rumaragasang tubig sa Tinubdan Falls sa Catmon, Cebu nitong Linggo.
Kinilala naman ang mga nasawi na sina Jude Monterola, Jacel Alastra at anak na si Princess Alastra.
Iniulat ni Police Senior Master Sergeant Ben Naveles na isa pang bangkay ng babae ang natagpuan ng isang mangingisda, nitong Martes.
“May natanggap rin kaming report galing sa Carmen Police Station na may mangingisdang nakatagpo ng babaeng patay na palutang-lutang sa karagatan ng Barangay Luyang, Carmen, Cebu,” ani Naveles.
Matatandaang masayang nagpipiknik at nagpapakuha ng litrato ang magkakaanak nang biglang tumaas ang tubig sa talon dahilan para maanod ang mga ito.