Advertisers
Isinulong ni Senator Christopher “Bong” Go na maisabatas ang Senate Bill No. 2393 o Rental Housing Subsidy Act of 2021, na magbibigay-daan para sa mga Filipino na magkaroon ng sariling bahay, lalo ang mga nawalan ng tirahan dulot ng mga natural na kalamidad o delubyong likha ng tao.
Sa kanyang co-sponsorship speech sa sesyon ng Senado, inihayag ni Go na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, patuloy ang paglobo ng bilang ng Filipino na walang tirahan at ang “dilemma” na ito ng kahirapan sa buhay ay nangyayari, partikular na sa Metro Manila at iba pang malalaking lungsod.
“The continuing onslaught of the COVID-19 pandemic has worsened the situation of Filipinos living in congested urban centers, particularly in Metro Manila,” sabi ni Go.
“COVID-19 has brought not only health problems but also adverse economic effects to the country which resulted in a vast increase in unemployment. This resulted in a host of other issues, such as poverty, inequality, hunger and malnutrition, as well as lack of sustainable livelihoods, among others,” idinagdag ng senador.
Sa gitna ng patuloy na pandemya, hindi tumitigil si Go sa pamamahagi ng tulong sa mga komunidad na nasa gitna ng krisis, partikular sa mga lugar na ang mga bahay ay winasak ng sunog at kalamidad.
Ani Go, maraming pamilyang nawalan ng tirahan ang napilitang tumuloy muna sa mga shelters, temporary housing at ang mas malala ay sa mga bangketa o kalsada kaya panahon nang magkaroon ng disenteng bahay ang bawat Filipino kung saan nila mararamdamang sila ay ligtas at malayo sa panganib.
“Sa pag-iikot ko at pagbibigay tulong sa mga kababayan nating nasunugan, I have witnessed, first-hand, the worsening situation of the lives of our fellow countrymen, especially those who have no permanent place to call home.”
“Now, more than ever, we need to provide homes for displaced families and help them sustain livelihoods by offering various options during the interim process of construction and relocation,” anang senador.
Dahil dito, inihain ni Senator Go ang SBN 2393 na layong makapagtayo ng housing at social protection program para masiguro na ang mga eligible Informal Settlers Beneficiaries ay mabibigyan ng formal housing market sa pamamagitan ng rental subsidy.
Sa ilalim ng batas, ang eligible Informal Settler Beneficiaries, individuals o households na nakatira sa isang unit na walang consent ng lot owner o sa mga naninirahan sa “danger areas” ay makatatanggap ng rental subsidy na P3,500 para sa mga Metro Manila.
Para sa mga nasa rehiyon, ang halaga ng subsidy ay idedetermina ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng National Economic and Development Authority.
Ang rental subsidy sa eligible beneficiaries ay ipagkakaloob o magtatapos hanggang sa makumpleto na ang permanent housing project na laan sa kanila o sa mismong aktuwal na kanilang paglipat sa permanent housing project.
“Mr. Chair, kaya ko po inihain ang panukalang batas na ito dahil hangarin po natin na wala nang squatter sa ating sariling bayan.”
“Uulitin ko po, dapat po magkaroon ang bawat pamilyang Pilipino ng isang maayos at disenteng tirahan. Pangako po naming dalawa ni Pangulong Duterte, na bigyan ng mas maginhawang buhay ang bawat Pilipino, lalong lalo na po ang mga mahihirap,” ayon kay Go.