Advertisers
Zamboanga del Norte – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang konsehal ng bayan ng Liloy sa national highway, nitong Lunes, Setyembre 27.
Kinilala ni Liloy Police Chief Police Major Alexis Bahunsua ang biktima na si Ernesto Bihag Jr., 46, ng bayan ng Causwagan.
Sa ulat, minamaneho ni Bihag ang kanyang puting Toyota Fortuner nang tambangan ng mga salarin lulan ng maroon na Toyota Innova.
Inunahan ng mga salarin ang sasakyan ni Bighag at hinarang ito pagkatapos pinaulanan na ng bala ng baril.
Dahil dito nawalan ng kontrol sa sasakyan ang biktima at bumangga ang sasakyan sa puno.
Dinala pa sa ospital ang biktima pero hindi na rin ito nagawang maisalba.
Tinutugis na ng awtoridad ang mga salarin at inaalam ang motibo ng krimen.