Advertisers

Advertisers

Magdyowa nagpakasal sa checkpoint

0 572

Advertisers

Nagpakasal sa mismong border checkpoint sa Urdaneta City, Pangasinan ang magkasintahan makaraang hindi payagang makapasok sa probinsya ang groom dahil sa kakulangan ng papeles.

Ayon sa ulat, umuwi ng Pilipinas ang OFW na si Erwin Zabala para pakasalan ang girlfriend na si Ruby Papio.

Nag-quarantine si Zabala nang 10 araw sa Maynila at matapos na magnegatibo sa test dumiretso na ito sa Pangasinan nitong Linggo, ang araw ng civil wedding nila ni Papio.



Pero bago pa ito makatungtong ng probinsya hinarang ito ng mga otoridad na nakatalaga sa TPLEX exit dahil wala itong S-Pass.

Upang matuloy ang kasal, tinawagan ni Zabala ang girlfriend na taga-Dagupan City at pinapunta sa checkpoint sa Urdaneta City.



Makaraan ang ilang oras dumating si Papio na bitbit ang kanilang pastor.

Natuloy ang kasal ng dalawa sa tulong ng mga nakatalagang tao sa checkpoint. Sinaksihan ito ng mga kawani ng Overseas Workers’ Welfare Administration, Philippine Coast Guard, mga pulis at ilang mga hindi rin pinapasok sa probinsya.



Napag-alaman na nasa Baguio City na ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon.