Advertisers

Advertisers

DFA maghahain ulit ng diplomatic protest vs China

0 210

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang paghahain muli ng panibagong diplomatic protest laban sa China dahil sa nakakaalarmang pinaggagagawa ngayon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay kasunod ng sinabi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na patuloy pa ring nananatili ang nasa 150 Chinese vessels sa WPS.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Locsin na “unlawfully” niraradyohan ng Chinese vessels ang maritime patrols ng Pilipinas.



Sa ngayon aniya ay nasa bisinidad pa rin ng Iroquois Reef ang mga Chinese fishing vessels na ito.

Nabatid na ang naturang bahura ay isa sa mga unoccupied features sa Spratly Islands na matatagpuan sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.



Inatasan na rin ng kalihim ang kagawaran na maghain ng protesta laban sa “incessant” at “unlawful restriction” ng China sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc.

Marso ng kasalukuyang taon nang uminit ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Beijing kasunod nang pagdagsa ng mahigit 200 fishing vessels sa Julian Felipe Reef at sa iba pang maritime features sa loob ng EEZ ng Pilipinas. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">