Advertisers
PINABULAANAN ni Senador Manny Pacquiao na ito ay “nag-gatecrash” sa Malakanyang para makadaupang palad si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya inimbitahan si Pacquiao at wala ring kaalam-alam sa kanilang pagpupulong.
Sinabi naman ng senador na maging siya ay blangko rin na mayroon din itong pagpupulong.
Paliwanag pa ng senador, napaka-imposible na makasalamuha ang pangulo kung wala itong opisyal na appointment.
Nauna nang sinabi ni Pacquiao na si 1 Pacman Party-list Rep. Eric Pineda ang siyang nag-imbita sa kaniya para makipagpulong sa pangulo.