Advertisers

Advertisers

Titser naglunsad ng Project SALAD bilang feeding program

0 215

Advertisers

“Serbisyo at Pagmamahal, Bumubusog sa Mag-aaral”

Ibinahagi sa Facebook page ng Department of Education o DepEd Philippines ang kuwento ng guro na si Maria Benzil M. Romero, na naglunsad ng kaniyang Project SALAD (Project Serve Abundant Love A Day) upang patuloy paunlarin ang feeding program ng San Rafael (BBH) Elementary School sa SDO San Jose Del Monte City, Bulacan.

Layunin ng proyektong ito na maghatid sa mga mag-aaral ng masagana, masustansiya, masarap at espesyal na pagkain, katulad ng isang salad. Mga pagkaing hindi lamang tiyan umano ang binubusog ngunit pati ang puso nila.



Ayon sa DepEd Philippines, kahit may pandemya, tiniyak ng guro na magiging ligtas at maayos ang pamamahagi ng Project SALAD sa mga mag-aaral at magulang.

Inilunsad anila ang Project QR Code para sa mas mabilis at contactless na pamamahagi ng mga salad. Para naman sa mga walang available na magulang, nariyan ang Project Kolong-Kolong Express na nagtutungo talaga sa mga bahay-bahay ng mga mag-aaral upang hindi na sila umalis pa ng kanilang mga tahanan.

Nagpapaalala rin sila sa mga magulang na kung kakayanin naman, pakainin nang masusustansyang pagkain ang kanilang mga anak upang lumakas ang mga resistensya nito at may panlaban sa sakit, hindi lamang sa Covid -19, kundi sa iba pang karamdamang maaaring dumapo sa kanila.

Dahil umano sa mahusay na school-based feeding program, nakamit nina Teacher Romero at ng kaniyang grupo ang ikatlong puwesto bilang outstanding implementer noong 2018 sa Regional level, at ngayong 2021, sila ang Most Outstanding Implementer of the School-Based Feeding Program sa Rehiyon III at ang delegado nito para sa National Search ng DepEd.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">