Delikadong tuluyan ma-disqualify…MARCOS BUKING!, ‘DI SINUNOD ANG CA NA BAYARAN ANG PENALTY SA ‘DI PAGBAYAD NG TAX!
Advertisers
NAKASAAD sa mga dokumentong nakuha ng ilang petisyoner na humihiling na ipakansela ang certificate of candidacy ni presidential aspirant at dating Senador Bongbong Marcos Jr. na hindi pa nasa-“satisfy” nito ang parusang ipinataw sa kanya ng korte kaugnay sa kasong hindi paghahain ng Income Tax Return (ITR).
Ang hindi pa pagbabayad umano ng multa ni Marcos sa naturang tax case ang batayan ng ilang petitioners para ipakansela ang certificate of candidacy (COC) nito.
“This is to certify that there is no record on file of: Compliance of payment of satisfaction of the Decision of the Regional Trial Court dated July 27, 1995 or the Court of Appeals dated October 31, 1997,” ayon sa dokumento ng Quezon City Regional Trial Court Branch 105 na isinapubliko nitong Biyernes.
Ang naturang dokumento ay nilagdaan ni officer-in-charge Rowena Sto. Tomas-Bacud noong ika-2 ng Disyembre, 2021.
Ang naturang sertipikasyon ay nakuha nina Atty. Theodore Te, isa sa mga abogado ng mga naturang petitioners, sa Quezon City Regional Trial Court (QC.
Una nang sinabi ng mga petitioners na pinangungunahan nina Fr. Christian Buenafe at ilang human rights advocates na “perpetual disqualification” mula sa paghawak ng anumang puwesto sa gobyerno ang paglabag sa Sections 45 at 50 ng National Internal Revenue Code.
Una nang inihayag ni Comelec spokesman James Jimenez na ang tanging ground para sa pagkakansela ng COC ay ang “material misrepresentation,” bagay na nakasaad sa Section 78 ng Omnibus Election Code. (Josephine Patricio)