Advertisers

Advertisers

Delivery rider hinoldap ang sarili dahil sa online sabong

0 278

Advertisers

CAGAYAN – Mismong ang ina ng delivery rider ang nagbuking sa pagpanggap at pagsinungaling nito na naholdap siya sa Lungsod ng Tuguegarao.

Ayon sa nagpanggap na biktima na si Hince Bueno, delivery rider, ng Barangay Leonarda, Tuguegarao City, hinarang siya ng mga nakasakay ng motorsiklo at tinangay ang kanyang P9,000 na koleksyon kasama ng kanyang mga gamit at motorsiklo.

Kalaunan, nagsadya ang ina ni Bueno sa pulisya at isinalaysay ang katotohanan na nagawa lamang iyon ng kanyang anak dahil nagastos na nito ang pera.



Nabatid pa sa ina ni Bueno na ang kanyang motorsiklo ay hindi tinangay ng mga sinasabi nitong holdaper kundi isinangla ito nang matalo sa online sabong.

Nang imbestigahan ito ng pulisya, sinabi ng pinag-sanglaan nito na P6,000 ang pagkakasangla sa motor.

Sinampahan ng kasong Obstruction of Justice si Bueno.(Rey Velasco)