Advertisers
ILOILO CITY – Patay ang ina at sugatan ang kanyang mister nang martilyuhin ng kanilang 16-anyos na anak na lalaki sa Anini-y, Antique.
Ayon kay Police Corporal Randolph Gomez, imbestigador ng Anini-y Municipal Police Station, ang lolo mismo ng salarin ang nakakita sa kanyang manugang na duguan at kumakaripas ng takbo habang wala nang buhay ang kanyang anak.
Ayon kay Gomez, kinulong ng ina ang kanyang Grade 11 student na anak at pinilit na sagutan ang kanyang module. Nagalit ang anak dahilan upang martilyuhin nito ang kanyang ina.
Sunod na minartilyo ng anak ang kanyang ama na kakauwi galing trabaho.
Tinangka pa ng salarin na tumakas bitbit ang P14,000 na pera ng kanyang mga magulang ngunit nahuli sa border control point. Nasa kustodiya na ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).