Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SUPER happy si Barbie Imperial na ang first ever movie na gagawin niya under Viva Films ay mismong ang kanyang love of her life ngayon na si Diego Loyzaga ang kanyang katambal.
Isang sexy film na may pamagat na “Dulo” at idinerehe ng kapwa niya PBB housemate na si Fifth Solomon.
Dahil real life syota ni Barbie si Diego, paano kaya ang working relationship nila?
“Mas madali in a way, kasi kilala ko na ang mga galaw ni Diego. Suportahan kami sa eksena, pero sa mabibigat na eksena, hindi muna kami nagpapansinan para kunwari, totoo yung mga away namin, para yung paghuhugutan mo, maging totoo,” bungad na say ni Barbie.
Puring-puri rin ni Barbie ang acting skill ng boypren na talagang minana sa kanyang mga magulang na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.
“Si Diego, talagang magaling na aktor. Ang husay niya rito. If I’d rate him, I’d give him 11, not just 10. We help motivate each other. Noong una, medyo kabado ako kasi alam ko, magaling nga siya. So sabi ko sa sarili ko, lalabanan ko ito. I won’t be intimidated, kasi kung matatakot ako sa kanya, baka magtuluy-tuloy.
“We also had an acting workshop before shooting started at minethod talaga namin ang mga eksena namin,” sey pa rin ni Barbie.
Anong eksena naman kaya nahihirapan si Barbie na kasama ang boypren?
“The most challenging for me are the bed scenes. First time ko kasing ginawa. I was nervous but Diego helped in calming me down. Kasi sa drama scenes, emotions wise, mas madali kasi parang yung nangyayari sa totoong buhay na binabalikan lang namin,” say pa rin ni Barbie.
***
KUNG maraming Kapuso actors ang naging excited sa pagpasok ni Bea Alonzo bilang Kapuso, wala na sigurong hihigit pa sa excitement na naramdaman ng bidang lalake sa bagong pantaseryeng ginagawa ngayon ng GMA-7, ang “Lolong” na si Ruru Madrid.
Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Ruru sa pagsasabing super fan siya ni Bea at halos lahat ng pelikulang ginawa ni Bea ay napanood ni Ruru.
“Halos lahat ng pelikula niya napanood ko na. Sobrang galing niya na aktres. The first time na na-meet ko siya sa GMA, sobrang bait niya, sobrang approachable,” say ni Ruru.
Kaya labis ang tuwa ni Ruru dahil ngayon na isa nang Kapuso si Bea ay hindi malayong magkasama sila sa isang proyekto.
“Ito dati ko pa sinasabi na sobrang gusto kong maka-work. Noong nasa kabilang network pa lang siya gusto ko na siya makatrabaho but ngayong lumipat na siya sa GMA, si Ms Bea Alonzo, pangarap ko siya makatrabaho.
“For sure pag nakatrabaho ko siya, parang na-check-an ko na ’yung bucket list. I am very excited and hopefully mangyari po ’yan,” dagdag pang sabi ni Ruru.