Advertisers

Advertisers

Bunsong anak nina Iwa at Pampi, ipinaglihi kay Lacson

0 215

Advertisers

KAHIT na baby pa lang, obyus na raw ang pagkakahawig ng bunso nina Iwa Moto at Pampi Lacson sa lolo nito na si Senador Ping Lacson.

Nag-post kasi ni Iwa sa Instagram ng pictures ng  bunso at biyenan na si Sen. Ping, at makikita ang pagkakahawig ng maglolo.

Seyni Iwa sa caption ng larawan, madalas daw kasi siyang manood ng mga interview ng senador noong ipinagbubuntis niya ang bunso nila ni Pampi.



“When I was pregnant I often catch myself looking at daddy @iampinglacson’s videos and interviews. Then this is the outcome! Hahaha.”

“Sana anak sumunod ka sa yapak ni papa ping may prinsipyo at mabuting tao. #pinglacson #weneedaleader2022,” aniya pa.



Inayunan naman ito ng mga tagasubaybay ni Iwa na nagsabing tila pinagbiyak na bunga ang maglolo.

Kilala si Lacson sa pagiging family man. Kahit  minsan ay hindi siya naintriga sa ibang babae. Kasama sa pagiging family man ng senador ang pagiging mahilig sa mga bata kaya giliw na giliw siya sa kanyang mga apo.



Dati nang sinasabi ni Senador Ping na ang lahat ng kanyang pagmamalasakit sa bayan tulad ng paglaban sa kriminalidad at katiwalian, ay para sa susunod na henerasyon o ang mga bata.

Marahil kapag siya ang nahalal na pangulo sa May 2022, hindi lang siya magiging lider at ama, kundi magiging lolo rin ng bansa. (BKC)