Advertisers
TINAMBAKAN ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez ang kanyang katungali sa pagka-alkalde ng Maynila na si outgoing Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa isang informal social media survey na isinagawa ng isang volunteers group nitong Enero 2022.
Sa tanong na “Kung ngayon gaganapin ang halalan, sino kina Atty. Lopez at outgoing Vice Mayor Lacuna ang napupusuan ninyong iboto.?” Sa question survey na ito nakakuha si Atty. Lopez ng 58 % na pagsang-ayon, habang 29% lamang pumabor kay Lacuna, samantalang may 13% ang undecided o hinde pa desidido kung sino ang iboboto.
Ang social media survey ay kimalap, nitong January 2-14 ng grupong Original Mata ng Maynila for Charity Media (OMMCM), isang volunteers group na nakabase sa Lungsod ng Maynila. Ang OMMCM ay isang legal na grupo at rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Nauna rito, nanguna rin si Atty, Lopez sa isang face to face survey na isinagawa ng mga field reporters ng pahayagang Police Files Tonite (PFT) nitong nakaraang taon.
Sa tanong ng PFT na, “Sino ang gusto mo susunod na Mayor ng Maynila?” nanguna sa kanilang listahan si Atty. Lopez na may 37 boto, pumapangalawa si Lacuna (29), sumunod si ex-Cong. Amado Bagatsing (19). Labing lima (15) ang undecided. Walang pumabor kina retired General Elmer Jamias at Christy Lim, anak ni dating Mayor Fred Lim.
Lumalabas sa mga nabanggit na survey na nais ng mga Manileno na bagong mukha naman ang gusto nilang mamuno sa Maynila. Si Atty. Lopez ang opisyal na kandidato ng BBM-Sara tandem sa Maynila.
Sinasabing patok sa maraming Manileno si Atty. Lopez na isa rin ekonomista, dahil sa kanyang managerial expertise at financial genius sa pagpapatakbo ng 11 korporasyon ng kanilang pamilya.
Si Atty. Lopez ang panganay na anak ni dating Manila Mayor Gemilano “Mel” Lopez na naging private secretary at nasa likod ng maayos na financial stability ng city hall mula sa nadatnan nila P700M pagkakautang ng pinalitan nilang administrasyon noong 1986.
Nilisan ng pamilyang Lopez ang city hall noong 1992, at nag-iwan pa ng P1.2 billion surplus na walang utang sa mga banking institutions.