Advertisers

Advertisers

Pulis kinatay ang misis at anak bago nagpatiwakal

0 254

Advertisers

Nagpakamatay ang isang pulis nang barilin ang misis at tatlong taong gulang na anak, sa gitna ng pagtatalo ng mag-asawa sa kanilang tahanan sa Virac, Catanduanes nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Police Major Malu Calubaquib, Police Regional Office 5 (PRO-5) spokesperson, na si “Jay”, 25, aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP), binaril ang kanyang asawa na si “Joy,” 28, gamit ang 9mm service pistol.

Tinamaan din ang kanilang 3-anyos na anak habang dala ng kanyang ina.



At nagbaril din si Jay sa kanyang sarili gamit ang parehong baril.

“Sa gitna ng pagtatalo, bumunot ng baril ang salarin at binaril sa ulo ang misis habang nakatalikod na tumagos sa karga nitong bata. Matapos ang insidente nagpatiwakal din ito gamit ang service firearm nito,” paglalahad ni Calubaquid.



Ayon kay Calubaquib, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw nitong Sabado pagkauwi ng salarin galing sa inuman.

Dagdag ni Calubaquib, agad dinala sa ospital ang mga biktima subali’t idineklarang dead on arrival.



Batay sa inisyal na imbestigasyon, selos ang dahilan ng pagtatalo, subali’t sinabi ni Calubaquib na magsasagawa pa ng mas malalim na imbestigasyon ukol sa pangyayari.