Advertisers
Nanatiling naka-monitor ang Philippine Embassy sa Wellington sa development ng Tonga, Samoa at Fiji kasunod ng pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat kahapon na lumikha ng tsunami at malakas na alon sa paligid ng Pacifico.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa report ng embahada ang mga residente ay lumipat sa mas mataas na lugar matapos maapektuhan ang communication system dahil sa tsunami waves na umabot sa Tonga, Samoa, at Fiji.
Ang tsunami advisory ay inilabas din para sa mga baybaying lugar ng New Zealand, Japan, at US Western States.
Nakikipag-ugnayan na ang embahada sa local authorities at community leaders upang tiyakin ang sitwasyon at kalagayan ng mga Pilipino doon.
Ayon sa DFA nasa 87 ang mga Pinoy sa Tonga, 300 sa Samoa at 400 naman sa Fiji.(Lordeth B. Bonilla)