Advertisers

Advertisers

P10K multa sa PUV drivers na lalabag sa “No vaccine, No ride” Policy – LTFRB

0 212

Advertisers

INANUNSYO ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na simula sa mga susunod na araw, pagmumultahin na ang mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers na mahuhuling lalabag sa “No vaccine, No ride” Policy.

Pahayag ni LTFRB Executive Director Tina Cassion, aabot hanggang P10,000 ang multa sa mga lalabag.

Nitong Lunes na unang araw ng implementasyon ng polisiya ay hindi naging istrikto ang panghuhuli ng law enforcers.



Sinabi ni Transportation Spokesperson Goddess Libiran, magpaparaya at magpapasensya muna ang ginawang panghuhuli sa unang araw ng “No vaccine, No ride” Policy.

Ayon sa LTFRB, sa susunod na mga araw, ang penalty sa lalabag sa policy ay:
1st offense – fine of P5,000



2nd offense – fine of P10,000 at impounding ng unit na hinuli sa loob ng 30 araw

3rd o sa susunod pang paglabag ay multa ng P15,000 at suspension o cancellation ng franchise.



Irerekomenda rin ng LTFRB sa Land Transportation Office ang mga hinuling driver para sa suspension ng kanilang driver’s license.