Advertisers

Advertisers

Higit 58.79-M na fully vaccinated vs Covid-19

0 353

Advertisers

PUMALO na sa 58,793,555 ang bilang ng mga fully vaccinated na indibiduwal sa Pilipinas laban sa COVID-19.

Base pa sa National COVID-19 Vaccination Dashboard hanggang January 30, 60,341,424 na ang nakatanggap ng first dose habang 7,335,559 naman ang booster dose.

Bunsod nito, 126,470,538 na ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 vaccine dose na na-administer sa bansa.



Samantala, sa datos hanggang Enero 28, sinabi ni Presidential spokesperson Karlo Nograles na 12.74 milyong indibiduwal sa 12 hanggang 17 na age group, 7.5 milyon o 59 porsyento na ang fully vaccinated.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na magpabakuna upang maprotektahan kontra sa nakahahawang sakit. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">