Advertisers

Advertisers

LIZA ARANETA-MARCOS BET SI INDAY SARA – ANTHONY CASTELO

0 448

Advertisers

NAGHAYAG ang batikang multi-awarded singer-actor at dating Quezon City councilor, na si Anthony Castelo, na bet ng kanyang kaibigang si Liza Araneta-Marcos na maging Bise Presidente si Davao City Mayor Inday Sara.

Ito raw ay dahil naniniwala rin ang may-bahay ni Presidential candidate, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Liza, sa kahalagahan ng ‘loyalty’ sa pagkakaibigan.

Ani Castelo, hindi totoo ang napapa-balitang sinusuportahan ni Mrs. Araneta-Marcos ang kandidatura ng kanyang pinsan na si Senator Vicente “Tito” Sotto III (Tito Sen).



Ang mga espekulasyon, ayon sa sikat na singer ay maaaring bunga ng pagiging Castelo ni Tito Sen sa mother side. At ang maipluwensiyang lahi ng mga Castelo ay ngmula sa Nueva Ecija na matagal nang sumusuporta sa mga Marcos.

Katunayan, sabi ni Castelo, ang kanilang pamilya at ang mga Sotto ay sama-sama sa pagsuporta sa kandidatura ni Tito Sen bilang pangalawang Pangulo ng bansa kasama ang milyon-milyong taga-hanga ng senador na isa rin sa mga host ng sikat na noon-time show ba Eat Bulaga.



“One cannot easily detach the “Castelo- Sotto” names from “Marcos”, because of our families longtime friendship and political alliance specially in Central Luzon”, ang paliwanag ni Castelo.

Dagdag pa niya, nakagawa ng maraming taga-hang at malaking bilang ng mga supporter si Tito Sen, dahil na rin sa husay at galing na ipinakita ng mambabatas na ngayon ay isa na sa mga outstanding public-servant na my malawak na karanasan, at subok na liderato, kaya maraming kandidato ang nais mapasama sa kasikatan ng senador.



“Ang iba nga (sa mga kandidato) ay nais ma-endorse ni Tito Sen, mapa-highest o lowest level o kaya mapa-administrasyon o oposisyon. Kaya naging paborito na rin siyang (Tito Sen) maging common candidate ng lahat,” paliwanag pa ni Castelo.

Isa pa, ang sabi ni Castelo, ang kanilang pamilya ay dati ng taga-suporta ng namayapang President Ferdinand E. Marcos at ng kanyang unang ginang na si Imelda R. Marcos. At Mula naman noong 2016, ay naging supporters at taga-hanga naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“As for me, I say from the heart… that President Marcos taught me how to love the Philippines, and President Duterte taught me how to show it!”, ang pahayag pa ni Castelo.