Advertisers
Ni WALLY PERALTA
IBANG klase na talaga ngayon si AJ Raval pagdating sa social media, di na siya tulad ng dati na pusong mamon at madaling mag-offline sa socmed pag naba-bash. Ngayon ay ‘patola’ as in pumapatol na ang byuti niya sa mga negang komento sa kanya, at kahit pa mga tanong na personal na ay diretsahan na niyang sinasagot, seryoso o may pagkasarkastikang answer. At dahil uminit na naman ang isyu kina AJ at Aljur Abrenica nang mamataan ang dalawa na magkasama sa isang hotel sa Leyte nitong Araw ng mga Puso, may isang netizen na wala ng paligoy-ligoy pang tinanong si AJ.
“Kayo ba ni Aljur Abrenica?,” tanong ng isang netizen.
Game na game naman itong sinagot ng young sexy actress.
“Yeah, sobrang cool lang namin ni Aljur. Masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin. Wag ka mag-alala, pag official na, updated ka,” say ni AJ.
Marami na rin naman ang nagsasabing may relasyon na nga ang dalawa at pag-amin na lang ang kulang. At kung tatanungin naman ang dating dyowa ni Aljur na si Kylie Padilla sa ‘patuloy’ na relasyon nina Aljur at AJ, happy siya para sa dalawa, as in to each his own na talaga ang peg ng kanilang dating matamis na relasyon.
***
ILANG taon na rin naman byudo ang aktor na si Albert Martinez, at dahil kitang-kita pa rin ang kanyang kakisigan, at ang galing sa acting, at binata na rin naman, pulos tsika lang ang mga babaeng inili-link sa kanya, wala pa siyang pinakilalang bagong inspirasyon sa buhay.
Sa isang vlog site ay natanong si Albert kung kumusta na ang kalagayan ng kanyang puso, 6 years after pumanaw ang misis na si Liezl Martinez.
“I’m still enjoying my time with my kids and my apos ’cause all these years I’ve been working hard. I missed special moments with my kids. So now, parang bumabawi ako sa kanila by spending time with them. I cook for them every weekend. That’s my favorite thing,” say ni Albert.
Kailan naman kaya haharapin ni Albert ang sarili, at magkaroon na ng bagong inspirasyon at babaeng makakasama sa panghabang buhay?
“Liezl’s shoe is very hard to fill. She’s the kindest, smartest person I’ve met. We’re really good friends and she really took good care of me. I believe it’s the deep love that’s involved. I don’t know if you believe in soulmates. I believe she’s my soulmate,” dagdag na say pa ni Albert.
“It’s a normal ano siguro, normal process but I don’t go through with it. Because, parang I’m not ready yet.