Advertisers
Patay ang dalawang babae nang pagsasaksakin sa loob ng kanilang apartment sa Barangay Macabling sa Sta. Rosa Laguna, ng dating karelasyon ng isa sa mga biktima.
Sa ulat, duguan at wala nang buhay ang biktmang si Marisora Espinoza, 55, at ang salarin na dati niyang kinakasama, na nagpupumilit umanong makipabalikan sa kanya.
Dead on arrival naman sa ospital isang biktima na kinilalang si Carol Mamaril na nasaksak rin ng salarin sa mukha at dibdib.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, pasado alas-nuebe ng umaga nang dumating sa apartment ng mga biktima ang salarin na may bitbit na pagtalim.
Pahayag ng isang anak ni Esppinoza, pilit na makipagbalikan ang stepfather nila, at ng hindi na pumayag ang kanyang ina, nagbanta ang suspek.
Dagdag ng anak, bago ang pag-atake ng salarin, nagbanta ito noon na babarilin silang lahat.
Ayon sa mga imbestigador, posibleng lumaban ang mga biktima at nasaksak ang salarin na ikinamatay din nito.
Hawak na ang mga kaanak ang mga anak ng biktima.