Advertisers
Patay ang dalawang estudyante nang masunog ang tinitirahan nilang bahay sa bayan ng Catarman, Northern Samar nitong Lunes.
Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa naturang bahay sa Barangay Talisay 4:30 ng umaga. Naapula ang apoy 5:45 na ng umaga.
Gawa umano sa light materials ang bahay na nasunog.
Natutulog umano ang mga biktimang edad 10 at 18 sa bahay nang mangyari ang pagsiklab.
Tinatayang aabot naman sa P600,000 ang danyos sa sunog.
Iniimbestigahan pa ng mga bombero ang sanhi ng pinagmulan ng apoy.