Advertisers

Advertisers

Lay minister patay sa ambush

0 343

Advertisers

Patay ang isang church lay minister nang tadtarin ng bala sa bayan ng Tabango, Leyte nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Police Regional Office 8, kinilala ang biktima na si Julito Cuervo Dayan-Dayan, 55.

Sa ulat, nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima sa Barangay Campokpok kung saan madilim ang bahagi ng daan nang bigla siyang pagbabarilin ng ‘di pa kilalang salarin.



Agad din umanong tumakas ang salarin nang matapos ang pamamaril.

Nadala sa Tabango community hospital si Dayan-Dayan ngunit dineklara na siyang patay ng mga doktor.



Nakuha sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng hindi pa matukoy na uri ng baril.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pulisya para mahuli ang salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">