Advertisers
TIYAK nang magreresulta sa agarang disqualification ngayong halalan ang kakaharapin ni Malabon City Mayoralty candidate Jeannie Sandoval dahil sa tatlong magkakasunod na kasong paglabag sa Omnibus Election Code.
Ang mga reklamo ay mula sa dalawang kaso ng vote buying na nangyari sa Navotas City kung saan ginagawa ang kanilang “payout” sa isang lugar na may signage na “Bucket Lang.”
May kalakip na video bilang ebidensya ang naturang kaso. Ang isa pa ay naganap naman sa tanggapan ng Tugatog Senior Citizens Office (TUSCO) sa Barangay Tugatog sa lungsod ng Malabon.
Sa naturang kaso, namahagi ng pagkain at pera si Jeannie Sandoval sa mga botante na naroon noong mga oras na siya ay nangangampanya sa nasabing tanggapan.
Huli naman sa isang larawan ang naturang gawain ng pamimili ng boto at pamamahagi ng pagkain na mismong si Sandoval pa ang nag-aabot. Ang dalawang kaso ng vote buying ay direktang pagsuway sa Section 261 (a) ng OEC.
Ang pangatlong kaso ay bunsod naman sa paggamit ni Jeannie Sandoval ng mini bus ng Department of Health (DOH) sa pangangampanya sa Barangay Catmon ng Malabon City.
Kitang-kita sa larawan ang mag-asawang Jeannie at Ricky Sandoval na nasa gilid na naturang DOH bus na may nakapintang #Kakampi sa harapan nito. Ang Kakampi ay ginagamit na campaign slogan ng mga Sandoval. Ang kasong ito ay paglabag din sa Section 261 ng Omnibus Election Code.
Ang tatlong mga kaso ay may mga malalakas na ebidensya at salaysay ng mga nakasaksi sa mga naturang paglabag ng OEC na ipinapatupad ng COMELEC.
Bunsod sa mga kasong ito ay tiyak na ang disqualification ng dating vice-mayor na natalo na bilang mayor noong halalan ng 2019 laban kay Mayor Lenlen Oreta sa tambak na higit 45,000 votes.