Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
AMINADO ang bunsong kapatid ng namayapang komedyana na si Mahal na si Lany, na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move-on sa pagkawala ng kanyang ate. Mahal na mahal kasi niya si Mahal.
Mabuti na lang at nandiyan ang mga tagahanga ni Mahal, at ang ka-tandem niyang si Mygz Molino na MahMygz, na siyang nagpapalakas ng kanyang loob.
Ang mga ito kasi, sa kabila ng wala na si Mahal, ay ipinapakita pa rin ang pagmamahal nila rito.
In fact, monthly ay binibisita nila ang puntod ni Mahal.
“Tuloy pa rin ang buhay kahit wala na si ate Mahal. Sa ngayon, nandiyan naman ‘yung mga fans niya na naka-support pa rin sa kanya. Sila ‘yung nagpapalakas ng loob ko,” sabi ni Lany.
“8 months nang wala si ate Mahal, pero hanggang ngayon, lagi pa rin nilang dinadalaw ang puntod niya at laging may dalang bulaklak. Sobrang laki ng pagmamahal nila kay ate Mahal.”
Ang isa pang ikinatutuwa ni Lany sa MahMygz, tumulong ang mga ito sa pagpapagawa ng museleo ni Mahal. Na ayon sa kanya, ay malapit nang matapos.
“Nagpapatayo po kami ng museleo para kay ate Mahal. Hindi po namin maipapatayo ang museleo niya kung hindi rin sa tulong ng mga fans niya.
“Salamat sa panonood nila sa Youtube ni ate Mahal. Kahit wala na siya ay lagi pa rin nilang pinapanood. At sa mga donations na binibigay nila para maipatayo ang museleo. Plus, ‘yung mga naipon pong pera ni ate Mahal, pinagsama-sama po namin.
“Malapit nang matapos ang construction. Nasa 80% na.”
Nakausap namin si Lany nang dumalaw kami sa puntod ni Mahal sa paanyaya ng kaibigan naming si Miss Gloria Gerio na isa sa admin ng MahMygz.
***
ISA sa cast ng period movie na Ang Bangkay ang singer-actress na si Sarah Javier. Ang role niya sa movie ay bilang si Milagros na asawa ni Atty. Vince Tanada, na siya ring sumulat at nagdirek ng nasabing pelikula.
Sa pakikipag-chat namin kay Sarah kung paano siya napili sa Ang Bangkay, ang sabi niya,”May screening po sila para po sa role ni Milagros. At sa awa po ng Diyos, ako po ang napisil nila para sa role po niya.”
Kumusta naman working with Vince as co-actor and director?
“The best kuya Rommel…Bilang director napaka husay po nya..mga ideas po niya ay talagang kanyang pinaghuhusayan. Very creative po talaga. Magaling po talaga sila ni direk bong.
“At bilang co-actor or co-artist ko, napakabait po at napaka-humble. Masaya po kami sa set kasi siya po ay magaang katrabaho.”
At ang pinaka-favorite niyang eksena sa Ang Bangkay? “Ang pinaka-favorite ko po ‘yung eksena na muli po akong nakita ni Atty. director Vince Tanada..Makikita po kasi ang kanyang pagkamangha ng ako’y nakita niya muli hahaha! Abangan po nila kuya.”
At ang latest naman tungkol sa kanyang pagiging isang recording artist, ang sabi ni Sarah,”Naku kuya abangan po nila ang nalalapit na bagong mga kanta na aking nilikha. Meron na pong dalawa kuya. At excited po akong iparinig po ito sa inyong lahat.”