Advertisers

Advertisers

CUSTOMS NA PUMATAY NG PULIS, KASUHAN!

0 790

Advertisers

HINDI sapat na batayan lamang ang inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Customs Intelligence ang Investigation Services (BOC- CIIS) para malinawan ang katotohanan sa likod ng pagkapaslang ng mga tauhan ng BOC kay Police Executive Master Sergeant Celedonio Caunceran Jr., miyembro ng Quezon City Police District.

Si PEMS Caunceran Jr., ay bumulagta sa isang lugar na kung tutuusin pa nga ay dapat isa sa maitinuturing na pinaka-ligtas na lugar sa Port Zone ng City of Manila, ito ay sa loob mismo ng tanggapan ng CIIS Office na matagpuan sa Gate 3, South Harbor, Brgy. 651, Port Area, Maynila noong gabi ng May 20, 2022.

Maraming pagkakataon na at gasgas na gasgas na ang alegasyon ng mga awtoridad na ang isang indibidwal na nasa ilalim ng custodial investigation ay nang-agaw kuno ng baril kaya ito ay napilitang paputukan ng mga alagad ng batas na dapat sana ay tagapagtanggol ng kanilang karapatan.



Kaya ang nangyari kay PEMS Caunceran Jr., ay kailangang pakatutukan, isailalim sa masusing pagsisiyasat ang mga sangkoit sa pagpatay sa biktima, kasuhan ang mga ito pati na ang kanilang mga pinuno at bayaang ang hukuman na lamang ang magpasya sa kaso.

Madaling isipin na maaring may naganap na “white wash” o takipan para linisin at di managot sa kaso ang mga nasa likod sa pagpatay sa kapus-palad na beteranong QC police.



Ang mga suspek ay kinilalang sina CIIS agents Elizer Layag Mangili at Jovan Escueta Lugtu kapwa operatiba ng BOC’ Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at police special weapons and tactics.

Wasto lamang na ang mga imbestigador ng Crime Against Person ng Manila Police District (MPD) ang humawak ng kaso sa naganap na pagkakabaril at pagkakapatay kay PEMS Caunceran.



Kaya lahat na dokumento at mga ebidensya ng naturang usapin ay kailangan ding isalin sa kustodya ng MPD, pati na custodial detention ng mga suspek na CIIS agents Mangili at Lugtu, habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.

Hindi lamang pangkaraniwang pagsisiyasat ang kailangang isagawa ng MPD probers, kundi isang malaliman at masusing pagsisiyat lalo pa’t si PEMS Caunceran Jr., ay napatay habang sinisiyasat kuno ito matapos na damputin ng mga ahente ng BOC-CIIS di kalayuan lamang sa gusali ng People’s Journalist Incorporated sakop ng Port Zone sa Port Area, Manila.

Napakatitindi ng mga bintang ng mga awtoridad ng BOC sa biktima, liban sa nadakip raw ito dahil sa paglabag ng Comelec Gun Ban ay responsable pa sa serye ng pamamaslang sa ilang empleyado ng BOC.

Iniuulat pa ng BOC na si PEMS Caunceran Jr. ay may kinalaman din sa pagpapasabog ng granada sa tanggapan ng BOC Enforcement and Security Services Compound.

Lahat na yatang mga kaso ng karahasan, unsolved cases at kasamaan laban sa mga customs employees ay ipinatong na kay PEMS Caunceran Jr.?

Ngunit sa pag-aanalisa ng inyong lingkod, ay hilaw pa para sagpangin ang alegasyon ng mga BOC officials lalo pa nga at may mga magkakasalungat na ulat ang hinggil sa insidente ng pagkapatay sa biktima.

Sa magkahiwalay na ulat na nakalap ng SIKRETA ay ganito ang nakasaad: “Batay sa pahayag ng kasamahan ng salarin nagtanong lamang sila kay Caunceran, subali’t ilang sandali nagpaalam ang biktima na pupunta sa palikuran, pero pagbalik nito ay bigla na lamang bumunot ng baril.

Dahil dito, agad na umaksyon ang salarin kaya naunahan ang biktima. Nakuha sa pinangyarihan ang dalawang caliber .45; isang 9mm caliber pistol, magazine, at apat na bala.”

Sa isa pang newspaper report ay ganito naman ang nakalap ng inyong lingkod: “The suspect was brought to CIIS office for further investigation, however, during the course of investigation the suspect asked Special Agent 1 Jovan Lugtu to use the comfort room, the latter uncuffed the suspect and when he came out from the comfort room, the suspect suddenly grabbed the service firearm of SAI Lugtu and a scuffle ensued between them.

PEMS Caunceran suffered two gun shot wounds in the forehead and chest.

Caunseran was rushed to Gat Andres Bonifacio Hospital for medical treatment but declared dead on arrival. Authorities seized a 9mm pistol, a .45-caliber pistol, a knife and a Suzuki Skydrive motorcycle from Caunceran.”

Marahil naman ay malinaw pa ang mata ng ating mga KASIKRETA at mga mambabasa para makaligtas ang mga si magkakaayon na bahagi ng detalyeng ito sa mga pahayagan?

Sa pananaw pa rin ng inyong lingkod , ay mas malaki pa nga ang posibilidad na tumama tayo sa Lotto draw, kaysa ang makasakote ang mga awtoridad ng BOC-CIIS ng isang suspek sa mga napakabibigat na krimen tulad na nga ang pagpatay sa BOC employees. Ang kagila-gilalas pa ay sa mismong compound ng BOC ito pagala-gala kaya ito ay natutop?

Bilang isang beteranong mamamahayag at ex-police investigator ay napakaraming katanungan ang inyong lingkod sa mga awtoridad ng BOC, hindi lamang sa mga principal sa nasabing kaso.Bagamat sumakabilang buhay na nga si PEMS Caunseran J ay pinagmukha pa itong pipitsuging pulis kung ang pagbabatayan ay ang ulat ng BOC-CIIS. Para puntahan nito ang looban ng bakuran ng kanyang mga pinatay daw ay malaking kababalaghan?

Kaya tama naman ang aksyon ni QCPD PBGEN Remus B. Medina ( Ano kaya ang relasyon niya kay ex- P/Major Leonardo Medina ), para magsagawa ng naaayon, kabalantay at parehas na pagsisiyasat kaugnay sa naturang kaso. Kailangang mapalitaw ang katotohanan sa pagkakapatay kay PEMS Caunceran.

Hindi lamang kailangan pagbatayan ng Manila probers ang doktrina ng Command Responsibilty sa paghahabla sa ilang opisyales ng BOC-CIIS kundi tingnan at pag-aralan din kung may malalim pang motibo o kaya ay conspiracy para likidahin ang biktima? Napakarami pang mga tanong at butas ang ating nakita at ito ay atin ding tatalakayin.

Kumbinsido naman ang inyong lingkod na dapat ay kasuhan sa tanggapan ng Ombudsman hindi lamang ang dalawang CIIS operatives na direktang sangkot sa pagkakapatay kay PEMS Caunceran Jr.,kundi maging ang ilan pang matataas na pamunuan ng BOC.

PULIS, BARANGAY OFFICIALS, NAGPAPASUGAL!

Sa Brgy. Bolbok, Lipa City ay mga pulis at barangay officials pa ang itinuturong pasimuno at kapitalista ng mga sugal na color games, beto-beto, cara y cruz, drop balls at iba pang labag sa batas na table games.

Maniniwala naman talaga ang mga taga-Lipa City pagkat bantay-sarado pa ang mga pasugalan doon ng mobile car ng Lipa City Police kapag malakasan na ang mga iligal na pasugal sa barangay na nasa ilalim ni Brgy. Chairman Bobby Capuno.

Hindi kaya kasosyo sa mga naturang iligal na pasugalan si Chairman Capuno at Lipa City Police Chief, P/Lt.Col. Ronalda Cayago? Nagtatanong lang po…

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.