Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MAG-two-two years na si Angeli Khang sa showbiz pero at the rate things are going, very happy siya sa takbo ng kanyang karera.
Siya kasi ang tinaguriang undisputed Vivamax Queen dahil ang pelikula niyang “Silip sa Apoy” ni Mac Alejandre ang may record ng highest grossing movie ng nasabing online streaming platform to date.
Pressure rin sa kanya so far ito, dahil kailangan niya, more or less, na mahigitan ang record ng bawat pelikulang ginagawa niya.
May advantages at disadvantages din para sa kanya ang maging sex symbol.
Nakikita niyang disadvantage ay madalas na ini-expect ng mga tao ang kanyang paghuhubad.
Gayunpaman, flattered naman siya kung may mga nagpapantasya man sa kanyang mga kalalakihan o maging mga tiboli.
Pero higit sa pagpapaseksi, naroon daw naman ang nag-uumapaw na kagustuhan niya na makilala bilang isang magaling na aktres.
Happy din siya dahil puro mga magagaling at award-winning directors ang humahawak sa kanya tulad nina Mac Alejandre na makakasama niya sa isang serye at Brillante Mendoza na director niya sa upcoming movie na “Virgin Forest.”
Hindi naman niya ikinaila na bet din niyang maging award-winning actress tulad ng Cannes best actress na si Jaclyn Jose na nagsimula rin sa pagpapa-sexy.
Sobrang honored din siya dahil nakatrabaho niya ang dalawang magaling at award-winning actors na sina Baron Geisler at Vince Rillon sa pelikulang “Pusoy” na mapapanood na sa Vivamax sa Mayo 27.
Nagpapasalamat siya dahil inalalayan siya ng dalawa sa kanilang love scenes.
Nakikita raw niya kay Vince ang pagiging passionate nito sa kanyang craft samantalang si Baron ay isang ehemplo ng isang professional actor sa kanya na marami siyang natutunan.
Ani Angeli, gusto rin daw niyang gumawa ng mga pelikulang hindi sexy na maipakikita niya ang kanyang kalibre sa pag-arte.
Mula sa produksyon ng Centerstage Productions ni Brillante Mendoza at sa direksyon ng award-winning director na si Phil Giordano, kasama rin sa cast ng Pusoy sina Janelle Tee, Jela Cuenca, Kiko Matos, Julio Diaz, Raquel Montesa at marami pang iba.