Advertisers

Advertisers

Beautederm Home Marian Rivera-Dantes, Solid Pa Rin

0 325

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

ISANG engrandeng pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home sa pag-marka nito ng isang bagong milestone sa pag-commemorate nito ng pormal na renewal ni Marian Rivera-Dantes bilang opisyal na brand ambassador nito for another 30 months!
Ang makasaysayang pagsasanib puwersa sa pagitan ng Beautéderm Home at ni Marian ay ginanap nuong 2018 nang inilunsad ng brand ang Reverie – isang exquisite line ng mga home scents na unang kinabilangan ng mga soy candles at air purifiers at pati na rin ng mga room at linen sprays.
Ang Reverie ay play of words sa pagitan ng pangalan ni Rhea Anicoche-Tan na Presidente at CEO ng Beautéderm; ng pangalan ni Marian nung siya ay dalaga pa; at ang konsepto ng gustong ipadama ng brand sa mga users nito – ang ma-relaks habang tinatamasa ang kakaiba at matatamis na mga amoy ng pag-ibig na dulot ng Beautéderm Home.
Ang unang mga produkto sa ilalim ng Reverie line ng Beautéderm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) – na lahat ay nilikha mula sa formulation hanggang sa individual packaging sa malapit na pakikipag-ugnayan kay Marian.
Nuong 2021, pinakilala ng line ang dalawa pang additional scents – ang Matcha To Love at Take Me Away. Level-up ang Beautéderm Home ngayon taon sa pag-introduce nito sa mga brand-new at essential na mga produkto sa ilalim ng Reverie line na di lamang magpapabango sa bawat tahanan ngunit poprotektahan din ang mga ito mula sa mga germs, bacteria, at viruses. Ang una sa mga bagong produkto ay ang Pour Tout Faire – na isang 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects sapagkat formulated ito para ma-eliminate ang mga unpleasant odors; upang instant na ma-disinfect ang mga surfaces dahil pinapatay nito ang mga bacteria at viruses upon contact; at upang ma-protektahan ang bawat miyembro ng pamilya.
At bilang special treat sa partnership renewal ng Beautéderm Home at ni Marian, maglalabas ang Reverie ng special limited-edition soy candle box set na may tatlong bagong scents na kinabibilangan ng Inviting Cherimoya, Irresistible Vanilla, at Tempting Pear and Melon.”Maligaya po ako sapagkat tumagal ang relationship ko sa Beautéderm Home at excited po ako as I look forward to many more years with this brand na talaga namang malapit sa puso ko,” sabi ni Marian.
“We have worked so hard in developing these new products at very proud ako na ipakilala ang mga ito sa lahat.”
Ayon naman kay Rhea Tan, malalim na ang samahan nila ni Marian at talagang pinapahalagahan niya ito. “Marian is an extremely valued member of the Beautéderm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador of Beautéderm Home for another 30 months and hopefully more years in the future,” sabi ni Rhea.
“Para na kaming magkapatid ni Marian. Baby sister ko siya as she is the sweetest and the kindest, at isa siya sa pinaka-propesyunal na ambassadors namin. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership, with Beautederm Home, but more than that, grateful po ako sa sincere and loyal friendship niya.”
Samantala, lasapin ang exhilarating aromas ng pinakabagong mga produkto ng Reverie at protektahan ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay at gawin nang top choice ang Beautederm Home, upang mapabango ang iyong tahanan sa matamis na amoy ng tunay na pagmamahal. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Beautederm Home at Reverie at para sa mga kapanapanabik na updates tungkol kay Marian Rivera-Dantes, sundan ang @beautedermcorporation sa Twitter, i-like ang Beautederm sa Facebook at mag-subscribe sa Beautederm TV sa Youtube.
***
Direk Reyno Oposa, May Bagong Movie Na Intended Sa FAMAS
Napapanahon ang bagong pelikula na sinulat at ididirek ni Reyno Oposa sa sariling independent movie outfit na Ros Film Productions. Ang titulo ng film ni Direk Reyno ay “The Surrogate: Sperm Donor, Baby Maker.” Intended sa FAMAS. Ang lead actor ng Surrogate ay ang newcomer hunk model-actor na si Andrew Lucas with supporting cast, Kate Denise, Jek Jumawan, at Elizabeth Luntayao. Kasama rin sa movie sina, PETA actress Cecil Castillo, Pj Quintos, at Ern Antonio.
Isang indie erotic movie ang Surrogate, at malaking challenge sa mga artistang magsisiganap sa kani-kanilang mga character lalo na sa baguhang si Andrew Lucas. At para naman sa director ng film na si Oposa ay malaking hamon sa kanya ang proyekto niyang ito, na ang tema ng movie ay kadalasang tema rin ng mga pelikula ni Direk Brillante Mendoza at Direk Joel Lamangan. Sabagay, may napatunayan na sa pagiging Filmmaker si Direk Reyno, at nabigyan na siya ng Certificate of Recognition sa Cinemalaya 2018 bilang director at producer ng “Takipsilim.” Start na ang shooting ng Surrogate ngayong June 4 sa may Tondo, Manila.