Advertisers
Ni BETH GELENA
KINUMPIRMA ni Ogie Diaz na si James Reid na ang bagong manager ni Liza Soberano.
Hanggang May 31 na lang daw ang kontrata ng aktres sa kanya at hindi na raw ito pumirma ng panibagong kontrata.
Tinanong naman daw niya ito kung nais pang mag-renew ng kontrata sa kanya, subalit mismong si Liza raw ang tumanggi sa maayos na paraan Ang dahilan ng aktres ay nais daw nitong ipursue ang Hollywood dream.
Sey ng talent manager sa Showbiz Update.YouTube Channel.nila ni Mama Loi, “”Hanggang May 31, 2022 pa po”.
“May bago na siyang management. ‘Yun ay walang iba kundi ang team ni James Reid.”
Dagdag pa ni Ogie, unti-unti na niyang ipinapasa ang aktres sa bagong mag-aalaga.
Kamakailan lang ay laging laman ng balita sina James at Liza na magkasama.
At eto pala ang dahilan kung bakit lahat ng larawang piinopost ni Liza ay kasama ang Caress team management ni James, kaisa na pala nila ang aktres.
“Kaya pansinin mo, magkasama sila sa gala. Hindi lang si James ang kasama ni Liza kundi ‘yung mga kapartners nila. Kasi parang meron silang business group, kasama doon si Liza. At the same time, yun na rin ang maghahawak ng kanyang career”
Paglilinaw pa ni Ogie, ang grupo ni James ang hahawak ng career ni Liza dito sa Pilipinas at maging sa Amerika.
Ayon pa kay Ogie, maging sa ABS-CBN, Star Cinema at Star Magic ay wala na rin daw kontrata ang alaga.
Pero may proyekto pa rin daw na ibibigay ang nasabing kompanya sa aktres.
Siniguro rin ni Ogie na kahit wala na sa poder niya si Liza ay mananatili pa rin silang magkaibigan.
Hindi raw maitatapon ng ganun ganun na lang ang 11 taon na pinagsamahan nila.
In-assure rin niyang walang ober da bakod na manyayari sa dati niyang alaga.
***
ELIJAH AT MILES.1 YEAR NA ANG
RELASYON
SA isang panayam, diretsang inamin ng young actor na si Elijah Canlas na girlfriend na niya si Miles.Ocampo.
Ani Elijah, “Last year pa po kami eh”.
Aminado ang aktor na masaya sila ni Miles.
Eto ang unang beses na inamin ni Elijah na kasintahan na niya ang aktres na ngayon ay isa.ng Dabarkads host
Dagdag pa ng young aktor, “Opo kami na. I mean, she’s the best. Parang sobrang we’re in a good place. we’re very happy.”
Hindi raw kasi sila masyadong nagbabahagi ng larawan sa kani-kanilang social media at piniling maging pribado ang kanilang buhay pag-ibig.
Masasabing first time.na nagkaroon ng boyfriend ang aktres.
Wala.naman kasing nalilink na guy kay Miles, since nagdalaga na siya.
Si Miles ay produkto ng Goin’ Bulilit na napapanood noon sa.Kapamilya Network
***
TIKTOKER BELLA MULING NAGPARAMDAM KAY JOSHUA
HINDI talaga tinatago ng Fil-Am singer-vlogger-TikToker Bella Poarch ang.kanyang psghanga sa aktor na si Joshua Garcia.
Sa.Instagram account.ni Joshua ay may posted photo siya na umaahon sa swimming pool..
Naglagay si Bella ng face kiss emoji.
Nilike ni Joshua ang reaksyon ng vlogger at nagreak rin ng face kiss emoji.
Siyempre pa, inggit much ang mga fans ng actor.
Anila: “saan ba nakilala si bella poarch? vlogger din ba? hindi naman pretty si ate”
“Sa tiktok siszt.. di ko din sya kilala narinig ko lang sa isang Radio DJ minsan.. then sinearch ko..hehe share ko lang”
“Her beauty is very Pinay. Sumikat xa on her own way. Wag taung talangka na me baong ampalaya.”
“Famous sya sa tiktok world. She has 89.8M followers as of now”
“feel na feel naman ni joshua.”
“Bagay naman sila so sana maging sila hehe”
“pathetic.lahat na lang bagay”
“Ang cute lang, may crush talaga siguro si Bella sa kanya:)”
“Bella pumila ka sa likod”
“In fairness ang hot pala ni Joshua Garcia. Ready na kaya siya for mature roles.”
“Ang layo ng itsura ni joshua ngayon compared noong nsa pbb house”
***
DAHIL SA KOMENTONG.UNITY INTERNET PROVIDER NI ALEX ANG DALING NASOLUSYUNAN
TRENDING ang tweet ni Alex Gonzaga hinggil sa kanyang internet provider
Nagreklamo ang TV host-vligger ng kanyan internet connection na dinaan niya sa Tweet
Nabanggit niyang apat na buwan na siyang nagbabayad, pero wala naman siya umanong nagagamit na internet.
Eh kung makapaningil naman daw ang kumpanya ang bilis ng psgpapadala ng billing.gayung very poor ang kanilang serbisyo.
Agad naman daw na naaksyunan ang internet provider ni Alex na isa palang PLDT.
Ang ipinagtataka ng netizens bakit daw ang bilis na naaksyunan ang reklamo ni Alex.
Napag-alaman ng netizens kung ano ang naging dahilan.
Dahil daw sa kakaibang komento na pumasok sa comment sections ni Alex.
Nakakaaliw umano ang mga komento na nauugnay pa sa pulitika lalo na sa sinusuportahan nila ng kapatid na si Toni Gonzaga, ang UnityTeam.
Sa comment section, kapansin-pansin umano.ang mga salitang ‘unity’, move on, at ‘wag siraan.’
Dahil umano sa mga komentong ito, tila mas mabilis na napansin ng PLDT ang hinaing ng aktres kaya naman mabilis daw itong nagawan ng paraan.