Advertisers

Advertisers

Malawakang paglilinis sa mga opisyal at tauhan ng BI isagawa – Sen. Gatchalian

0 268

Advertisers

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Bureau of Internal Revenue o BIR na magsagawa ng malawakang paglilinis sa hanay ng mga opisyal at tauhan ng ahensya na nangingikil hindi lamang sa malalaking korporasyon kundi maging sa maliliit na negosyante.

“Marami sa ating mga malilit na negosyante ay kinikikilan ng ilang hindi matitinong kawani ng gobyerno. Hindi ko nilalahat pero alam naman natin na meron tayong mga BIR officials na nangha-harass o itinataas yung tax assessment para makahingi sila ng pera kapag nakiusap na babaan ang tax assessment. Ito muna ang unagin, yung sugpuin iyong ganitong korapsyon,” wika ni Gatchalian na sinasabing susunod na mamumuno ng Senate Committee on Ways and Means.

Sa halip na magpataw ng mga bagong buwis para pondohan ang mga serbisyo at tugunan ang utang ng bansa na umabot na sa P12.763 trilyon nitong Abril. Ipinanawagan din ng senador na sugpuin ang mga tiwaling opisyal at empleyado ng iba pang revenue collection agencies nang sa gayon ay mahinto na ang mga katiwalian sa gobyerno at masiguro ang pagkakaroon ng mas maayos at mahusay na koleksyon ng buwis.



Pinuna ni Gatchalian ang mga diumano’y kaso ng pangongotong ng mga tauhan ng BIR sa Ilocos Sur, Dipolog City at Zamboanga City, gayundin ang ‘pabaon scheme’ sa mga papaalis na opisyal ng ahensya.

Nanindigan si Gatchalian na kailangang paigtingin ang internal cleansing sa burukrasya upang hindi madamay ang mga matitinong kawani sa mga tauhang gumagawa ng kabulastugan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">