Advertisers

Advertisers

LTFRB, DILG pinakikilos na: TRANSPORT STRIKE NAKAAMBA!

0 301

Advertisers

PINABIBILISAN na ni Senate committee on public services chairperson Senador Grace Poe sa Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsusuri at pagsusumite ng listahan ng mga dapat makatanggap ng fuel subsidy.

Ito ang panawagan ni Poe sa harap ng bantang transport strike ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators sa oras na hindi maaksyunan ng pamahalaan ang problema sa walang prenong oil price hike.

Sinabi ni Poe, ang mabagal na pagtugon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang nagtutulak sa transportation sector para maglunsad ng transport strike.



Batay sa datos, aabot na sa 250,000 operators at drivers na ang nakatanggap ng subsidiya mula sa kabuuang 264,000 na target beneficiaries ng programa.

Sa ngayon, wala pang naisusumiteng listahan ng mga beripikadong tricycle drivers at operators para sa ilang programa ng pamahalaan.