Advertisers

Advertisers

Mag-amang miembro ng KFRG pumalag sa search warrant, bulagta!

0 307

Advertisers

TODAS ang mag-ama at arestado ang bunsong anak nang makipagbarilan ang mga ito sa mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) na maghahain ng search warrant sa Teresa, Rizal.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rodel Cabungcal Basi at anak niyang panganay na si Romar, habang naaresto ang 16-anyos bunso na John Rommel, pawang nakatira sa Sitio Ibabaw 2, Dulongbayan, Teresa.
Ayon sa ulat, 8:15 ng gabi nang magsagawa ng operation ang mga elemento ng PNP AKG Special Operation Unit laban sa mag-ama.
Isinagawa ang operation base sa ipinalabas na search warrant ni Hon. Cynthia R. Marino-Ricablanca, Executive Judge, RTC, Fourth Judicial Region, Santa Cruz, Laguna nitong September 15, 2020 laban kay Rodel.
Sa report, sangkot ang mga napatay sa serye ng pagkidnap ng Indian national, robbery at gun for hire sa nasabing lugar, at murder at homicide case sa lalawigan ng Rizal. (Mark Obleada/Edwin Moreno)