Advertisers
Nagmistulang sari-sari store ang isang reading hub ng isang paaralan sa Kapalong, Davao del Norte.
Itinayo ito sa labas ng Gupitan Integrated School at tinawag na Tindahan sa Pagbasa.
Ang sistema, kapag natapos sa one-on-one reading session ay maaaring bumalik ang mga mag-aaral upang subukin ang kanilang natutuhan sa pagbabasa.
Kung naging matagumpay, may katumbas na produkto o grocery item na ibibigay para makatulong sa pamilya ng mga mag-aaral.
Ito ang ginawang paraan ng mga guro at ng paaralan upang mas mahikayat ang mga mag-aaral na bumasa.