Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PUMUTOK ang balitang lilipat na ang Popstar na si Sarah Geronimo sa Kapuso network.
At kahit ang The Voice ay lilipat na rin daw sa kabilang himpilan.
Magiging judge raw si Sarah at makakasama nito ang original na kasama sa pahuhurado na si Bamboo.
Naiere naman ang The Voice noong 2014 at umere ulit noong 2019 sa Kapamilya kasama pa ni Sarah sa pagdya-judge sina Lea Salonga at Apl de Ap.
Sa paglipat ng The Voice ay sina Julie Ann San Jose at Pops Fernandez daw ang makakasama ni Sarah as judge sa nasabing singing competition.
Bihira naman kasi lumabas si Sarah sa longest running Sunday variety show ng Kapamilya at ito nga ang ASAP Natin To.
Pokus kasi si Sarah sa kanyang pagiging maybahay ni Matteo Guidicelli.
Dagdag pa ang pagre-record nito ng bagong album.
At fake news nga raw ang nagkalat na balitang lilipat si Sarah sa Kapuso network at mismong ehekutibo ng GMA-7 ay tahimik at walang kumpirmasyon na sa bakuran na nila lilipat ang Popstar.
Ang sure at confirm ay ang pagbabalik Kapamilya ni Sarah sa ASAP Natin To this coming July.
Kaya mananatiling Kapamilya si Sarah G.
***
NAGING usapan ang isyu na hiwalay na sina Janella Salvador at Markus Paterson.
Ito ay dahil sa drinking problem daw ni Markus.
Trauma nga raw si Janella sa mga lalakeng alcoholic.
Kaya naman tendency ay kaguluhan at init ng ulo na dulot ng espiritu ng alak.
At ito nga raw ang dahilan kaya may mga tanong kung hiwalay na ba sina Janella at Markus.
Hindi raw maiwasan ni Markus ang kaligayahan na dulot ng alak dahil sa bata pa ito.
Naging mabuting magulang naman sina Janella at Markus sa kanilang anak.
Pero sa interbyu ay okey naman daw sina Markus at Janella.
Kapwa okey lang naman ang sagot ng dalawa meaning na parang ayaw makalkal or mapag-usapan ang kanilang private life.
Well, well, well… ‘Yun na!