Advertisers

Advertisers

3 ‘freedom parks’ sa Maynila itinalaga para sa mga raliyista sa Marcos inauguration – PNP

0 241

Advertisers

ITINALAGA ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong lugar sa Manila bilang “freedom park” na maaring pagdausan ng rally o kilos protesta ng mga grupong nais magsagawa ng kanilang mga rally sa araw ng inauguration ni President-elect Ferdinand Marcos Jr sa June 30, 2022.

Tinukoy ni MGen. Valeriano De Leon PNP Director for Operations, ang tatlong itinalagang freedom park kabilang ang lugar ng Plaza Miranda, Plaza Dilao at Liwasang Bonifacio.

Ayon kay De Leon, ang nasabing mga lugar ay maaring magamit ng mga magsasagawa ng mga kilos protesta kahit walang permit mula sa Local Government Unit.



Binigyan-diin ni De Leon na ang pagtatalaga sa tatlong nasabing freedom park ay bilang pagkilala ng PNP sa karapatan ng mga individual at grupo na makapag-tipon at makapaghayag ng kanilang mga paniniwala sa iba’t ibang mga isyu.

Sa pagtatalaga ng mga freedom park, umaasa naman si De Leon na hindi na umano pipilitin ng mga individual o grupo ng mga protester na makalapit at magtipon sa National Museum inauguration site.



Umaasa rin si De Leon na igagalang ng mga grupo at individual ang mandato ng PNP sa pagpapanatili ng mga kaayusan at seguridad sa pagdaraos ng inauguration ng susunod na Pangulo ng bansa.

Isinaad ni De Leon na itinalaga rin ang golf course sa harapan ng National Museum para sa mga supporter na nais makasaksi ng makasaysayang event. Ang nasabing golf couse ay maaring maka-accommodate ng 25,000 hanggang 30,000 katao.



Pinaalalahanan naman ni De Leon ang mga nagnanais na makasaksi sa inauguration day na huwag magdala ng backpack sa halip ay gumamit na lang ng mga plastic bag upang mapabilis ang pagsisiyasat o inspection papasok ng golf course. (Mark Obleada)