Advertisers
Napinsala ang higit 20 bahay, covered court, at chapel nang tumama ng isang buhawi sa Batangas nitong Martes.
Namataan ang buhawi 2:00 ng hapon sa bahagi ng dagat ng Isla Verde, ayon kay Batangas City Disaster Risk Reduction & Management Office (DRRMO) chief Rod Dela Roca.
Naglabas naman agad ng tornado warning ang Batangas City DRRMO sa Brgy. Dela Paz proper, Dela Paz Pulot Aplaya, Ilijan at Isla Verde.
Ilang sandali, sinapul na ng buhawi ang Brgy. Dela Paz Proper.
Habang nananalasa ang buhawi, umulan nang malakas na dahilan ng pagbaha sa maraming lugar sa Batangas City.