Advertisers

Advertisers

11-anyos todas sa kotse ng titser

0 215

Advertisers

QUEZON – Bangkay na nang makarating sa pinakamalapit na hospital ang 11 anyos na batang babae nang aksidenteng mabangga ng Mitsubishi Montero na minamaneho ng isang guro sa Barangay Poblacion bayan ng General Nakar.

Kinilala ang biktima na si Princess Avellaneda, 11, samantalang nahaharap sa kasong homecide ang guro na nakilalang si Myla Astrera 50, residente ng Barangay Pamploma General Nakar, Quezon .

Dead on arrival ang biktima sa Claro M. Recto Hospital sanhi ng tinamong mga sugat sa ulo.



Batay sa isinagawang imbestigasyon ng General Nakar Police Station, 4:45 ng hapon ng biglang tumawid ang biktima na kung saan hindi na ito naiwasan ng isang paparating na Mitsubishi Montero na may plakang VFE- 7461 na minamaneho ng naturang guro at aksidenteng nabangga nito ang biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">