Advertisers
KINUMPIRMA ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na inimbitahan ni US President Joe Biden si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Washington.
Pero wala pa namang schedule kung kailan bibisita si Pangulong Marcos sa Estados Unidos.
Kinumpirma rin ni Romualdez na mayroong letter of invitation na ipinasakamay kay Marcos ni Second Gentleman Douglas Emhoff.
Matatandaang pinangunahan ni Emhoff ang presidential delegation na ipinadala ni Biden para dumalo sa inauguration ni Marcos noong June 30 sa National Museum sa Maynila.