Advertisers

Advertisers

“Return to Paradise” nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva naispatan sa beach

0 322

Advertisers

SPOTTED together sa isang beach ang Sparkle stars na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na bibida sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise.”
Sa Instagram post ng GMA Network, makikita ang dalawa na all smiles at super sweet habang nagbo-bonding sa isla.
Benta naman sa netizens ang bagong tandem nina Derrick at Elle. Komento ng isang fan,“Napaka-heartthrob mo Derrick while Elle is so gorgeous! Excited for this new show that will be a hit for sure!”
Abangan ang iba pang updates sa Return to Paradise sa GMA-7.
***
“Apoy sa Langit” patok online!
Mainit talaga ang pagsuporta ng netizens sa hit GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit”!
Muli na naman kasing nag-viral sa Facebook ang isa nitong episode na “Stubborn Stella on the Loose” na may 4 million views and counting sa loob lang ng ilang oras! Nasa 2.2 million views naman ang isa pang eksena na pinamagatang “Pictorial Turned Disaster.”
Mapapanood dito ang labis na pagkainggit ni Stella (Lianne Valentin) sa maternity shoot ni Gemma (Maricel Laxa) habang kasama si Cesar (Zoren Legaspi). Kaya naman gumawa na naman si Stella ng masamang plano laban kay Gemma.
Bagama’t nakakainis ang kanyang karakter, hanga ang netizens at Kapuso viewers sa pagganap ni Lianne bilang kontrabidang si Stella.
“Nakakaloka talaga ang istorya, parang totoo. Araw-araw inaabangan ko ito. Galing nila super”, komento ng isang netizen sa Facebook page ng GMA Drama.
Mapapanood ang Apoy sa Langit mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.