Advertisers

Advertisers

Jake napamura sa inis kay Ivana

0 212

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang vlog, kinakuntsaba ni Ivana Alawi ang mga miyembro ng produksyon ng kanyang teleseryeng A Family Affair para i-prank ang kanyang co-actors na sina Jake Ejercito at Jameson Blake
Sa kanilang eksena, sinabi ni Ivana na hindi raw siya makapagpokus dahil nadi-distract siya sa tingin sa kanya nina Jake at Jameson.
Sey ni Ivana, hindi raw siya makapag-concentrate sa kanyang pag-arte dahil nagpapatawa si Jake.
Hirit naman ni Jake, seryoso siya at never siyang nagpatawa.
Kahit si Jameson ay nagulumihanan sa pag-a-attitude ni Ivana.
Nakiusap pa ang actress na makipagtulungan sa kanya ang co-actors dahil napapagod na raw siya sa pagkakarga ng tamang emosyon para sa kanilang eksena.
Nag-request pa siya na tumalikod ang dalawa para makaarte siya.
Bagama’t nawerduhan, wala namang nagawa sina Jake at Jameson kundi tumalima sa kapritso ni Ivana.
Sa huli, halos napraning ang dalawang aktor lalo pa’t nalaman nilang pina-prank lamang pala sila ni Ivana katulong ang produksyon.
Napamura rin si Jake sa inis sa actress.