Advertisers

Advertisers

Rep. Martin Romualdez swak na sa Speakership

0 266

Advertisers

ILANG araw matapos ang 2022 Presidential and Vice Presidential elections, nagpahayag na ng suporta ang mga kongresista kasapi ng National Unity Party (NUP), Nacionalista Party (NP), PDP Laban, Vice President Sahara Duterte’s Hugpong ng Pagbabago, at Party-list Coalition Foundation, Inc sa speakership bid ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez sa pagsisimla ng 19th Congress.

Si Romualdez ang pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na tinatayang majority party sa House of Representatives ngayong 19th Congress.

Lumalakas ulit ang Lakas-CMD sa dami ng mga kongresistang lumilipat dito na magbibigay ng katiyakan mapalakas ang suporta para sa mga legislative agenda ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.



Bilang Majority Leader ng 18th Congress at sa tulong ng kapwa niya kongresista, nirendahan ni Romualdez ang pagsasabatas ng mga sumusunod: Republic Act Nos. 11463, Malasakit Centers Act; 11469, 11494, 11519, The Bayanihan Laws; 11524, Coconut Farers and Industry Trust Fund Act; 11525, COVID 19 Vaccination Program Act of 2021; 11517, Authorizing the President to Expedite Permits in Times of National Emergency; 11470, The National Academy of Sports Act; 11509, Doktor Para sa Bayan Act; 1151, Alternative Learning System Act; 11523, Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act; 11572, Philippine Energy Research and Policy Institute Act; 11534, Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act at 11590, Taxation of Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Buong tatag na pinamunuan din ni Romualdez ang House contingent sa nakaraang House of Representatives and Senate joint session bilang National Board of Canvassers (NBOC), katuwang si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.



Sa pagbubukas ng 19th Congress, isa sa mga isusulong ni Romualdez ang House Bill No. 1, “An Act providing for government financial institutions unified initiatives to distressed enterprises for economic recovery (GUIDE),”allocating P7.5 billion to Land Bank of the Philippines (LBP) and P2.5 billion to Development Bank of the Philippines (DBP) or a total of P10 billion to carry out their mandate.

Inihain din ni Romualdez ang House Bill No. 2, paglikha ng isang Medical Reserve Corps para magamit kapag mayroong health emergencies gaya ng coronavirus disease-19 (COVID 19) pandemic. Co-author dito ang kanyang asawang si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at second nominee Rep. Jude Acidre. Silang tatlo ang unang naghain ng panukalang batas sa House of Representatives ngayong 19th Congress.



Isasailalim ang panukalang Medical Reserve Corps (MRC) sa Health Emergency Management Bureau ng Department of Health (DoH).

Isa rin sa mga naunang naghain ng panukalang batas si Presidential son at Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos, ang House Bill 001 para sa kapakanan sa access at loans para sa Small, Medium Scale Enterprises (SMSEs) na isa sa 10 panukalang batas na kanyang isusulong sa Kamara.

Pamangkin sa pinsan ni Romualdez ang panganay na anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang panayam ng House accredited media sa ginanap na 3-day Executive Course on Legislation for members of the 19th Congress, sinabi ni Sandro na hindi siya pakiki-alam sa kahit anong appointments ng pagpili sa magiging majority leader sa House of Representatives.

Mayroon ilang kongresista ang humihingi ng tulong subalit lagi niyang sinasabi na hindi siya makiki-alam, bagkus nandito siya bilang kinatawan ng kanyang distrito at umaasang epektibong magbabalangkas ng mga panukalang batas na makatutulong sa ekonomiya ng bansa.

Inamin ng batang Marcos na bagamat anak siya ng Pangulo walang siyang kinalaman at hindi iyon ang kanyang gawain. Subalit isang “normal” na usapin aniya ang may lalapit at makiki-usap na magpa-appoint sa isang posisyon sa gobyerno.

Nakatrabaho na ni Sandro ang karamihan sa mga kongresista bilang staff ni Romualdez, subalit bilang anak nga ng pangulo, hiling niya sa kapwa kongresista ang patas na pagtingin bilang kaisang miyembro ng sangay ng lehislatura.

Sa interview, pabirong sinabi ni Sandro “Sabi ko sa mga congressmen, noong dati ako ang nagtitimpla ng kape at naghahanda ng mga documents, ngayong congressman na ako, ako pa rin ang gagawa ng kape nyo.”