Advertisers

Advertisers

COVID-19 cases growth rate sa NCR bumabagal na – OCTA

0 213

Advertisers

SINABI ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Martes na unti-unti nang bumabagal ang growth rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), indikasyon na malapit na itong umabot o ‘di kaya ay lampas na sa kanyang peak.

Sa kanyang tweet, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang COVID-19 wave sa rehiyon ay maaring umabot na sa rurok, bunsod na rin nang naitalang pagbaba ng growth rate nito sa 32% noong Hulyo 11, mula sa dating 57% noong Hulyo 4.

Ang reproduction number naman aniya, o yaong bilang ng mga taong maaaring ihawa ng sakit ng pasyente, ay bumaba na rin sa 1.47 hanggang noong Hulyo 8, mula sa dating 1.59 noong Hulyo 1. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawahan ng virus.



Samantala, nakapagtala ang NCR ng positivity rate na 10.9% hanggang noong Hulyo 10. Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa sakit, mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.

Iniulat din ni David na ang healthcare utilization rate (HCUR) sa NCR ay tumaas ng hanggang 28% habang 20% naman ng COVID-19 ICUs sa rehiyon ay okupado na rin. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">